sahifilms
Meira. Isang lugar na matatagpuan ang mga bagay-bagay na naninirahan lamang sa imahinasyon ng tao. Naggagandahang mga bulaklak, naglalakihang mga puno at ang malawak na lugar na ito ay nakatago na isang portal lamang ang siyang lagusan papunta't pabalik. At ang mas nakakagulat pa rito ay ang mga nilalang ay may taglay na mahika.
Sa isang lugar sa Meira mayroon isang malago at nakakatakot na kagubutan na sinabi na binabahayan ng mga nakakatakot na mga hayop at halimaw. Ito ang gubat ng Silas na may isang nilalang na nagsisilbing tagabantay sa gubat, ito ay si, Eliah na isang dating prinsepe na ipinagpalit ang kanyang tungkulin upang maging tagapangalaga ng kagubatan.
Sa di inaasahang pangyayari nakilala niya ang isa ring maharlika na kagaya niya na dapat sanang ipakasal sa iba.