MissJadie
"Huwag kang gagawa ng ingay, dahil ang katahimikan dito ay may gutom na tenga."
Para kay Kianna, ang paglipat nila sa kabilang bayan ay simula ng isang bagong yugto. Ngunit sa Calle Silencio, ang katahimikan ay hindi nangangahulugan ng kapayapaan..... ito ay isang babala.
Ang kalyeng ito ay hindi lamang basta lugar; ito ay dating kuta ng "Ang Kapatiran ng Banal na Patahimik" isang grupo ng mga deboto na naniniwalang ang ingay ng mundo ang dahilan kung bakit hindi marinig ng tao ang tinig ng Diyos. Para makamit ang wagas na katahimikan, kailangang ialay ang huling tunog na maririnig ng isang tao-ang kanyang huling hininga.
Sa pagitan ng panaginip at katotohanan, pasan ni Kianna ang isang sikretong hindi naririnig ng kanyang mga magulang. Habang unti-unting nilalamon ng kababalaghan ang kanilang tahanan, kailangan niyang pumili; susunod ba siya sa batas ng katahimikan, o itataya ang kanyang sariling tinig upang wasakin ang sumpa ng kalyeng kumitil na sa libo-libong pangarap.
Sa bawat pag-ihip ng malamig na hangin at bawat bulong sa kanyang tenga, unti-unting naglalaho ang hangganan ng kanyang pagkatao at ng babaeng matagal nang hinihintay ng kalyeng iyon. Sa mundong ang pagsigaw ay katumbas ng kamatayan, matutuklasan ni Kianna na ang pinakamalakas na boses ay hindi nanggagaling sa lalamunan, kundi sa mga sikretong pilit ibinaon sa ilalim ng lupa.
Dahil sa Calle Silencio, ang hindi mo pagsasalita ay hindi tanda ng pagsunod... kundi paghahanda para sa iyong huling hantungan."