Bad_author01
Akala ni Althea, natagpuan na niya ang lalaking pangarap niya-si Rafael, isang mapagmahal, masayahin, at halos perpektong asawa. Sa bawat halik at yakap nito, ramdam niya ang walang hanggang pagmamahal.
Ngunit sa likod ng matamis na ngiti, unti-unti niyang natuklasan ang mga bakas ng isang madilim na lihim: mga dugo sa kamay, mga gabi ng paglalakwatsa nang palihim, at mga balitang krimen na tila konektado sa kanya.
Hanggang sa dumating ang araw na kinailangan niyang sagutin ang pinakamahirap na tanong ng kanyang buhay:
Paano kung ang lalaking mahal mo nang buong puso ay isa palang mamamatay?
Pipiliin ba niya ang pag-ibig o ang kaligtasan?
At hanggang saan kayang lumaban ng isang asawa... kung ang pinakamapanganib na tao ay ang taong kasama niya sa iisang higaan?