vieondi
Ang pagkakaroon ng undercover boyfriend ay nakakakilig ngunit madalas ay nakaka-miss din. Dahil madalas siyang wala sa piling mo. Busy sa mga mission niya at higit sa lahat laging nasa panganib ang buhay nito. Pero hindi mo pa rin maipagkakaila ang iyong pagkasabik sa tuwing uuwi siya. Lahat ng hirap at kalungkuta'y napapawi sa bawat halik at yakap niya. Ngunit paano na lamang kung hindi na siya umuwi? Paano na? Hahanapin mo ba siya? Susundan mo ba ang kanyang mga yapak? Handa ka bang iwan ang iyong mga pangarap sa ngalan ng pag-ibig? Tuklasin natin ang buhay ni Rae at Ronward bilang mag-asawa. At kung ano nga ba ang buhay ng may undercover husband?