andromedawrites23
"Habang sumisikat ang araw ako'y mananatiling pagmamay-ari mo, hangga't bumubuhos ang ulan sayo pa din ako ngunit kapag ang ulan na minsa'y bumuhos at pumatak sa lupa ay huminto. Hindi ko maipapangako na ako'y mananatiling sa iyo." nakangit mong saad habang nakatingin sa unti-unting paglubog ng araw at saka tumingin sa aking mga mata at ngumiti na parang wala man lang lungkot na iniinda.
"Sana pinatay mo na lang ako." unti-unting bumagsak ang aking mga luha, pinipigilan na magsalita. Tumakbo ako palayo, palayo sayo. Iniinda ang sakit na nraramdaman ko habang hindi na iniisip kung ano ang mga pwedeng mangyari sayo. Ako muna, yan ang desisyon ko.
Tumigil ako sa pagtakbo at nilingon ang naiwan kong ikaw sa gitna ng magandang dagat at lumubog na araw, naglalakad ka na palayo. Hindi lumilingon, hindi nagpaalam. Tanging ang mga ngiti mo lamang at ang ating mga alaala nating dalawa na magkasama ang tanging dala dala ko pati na rin ang masasakit mong mga salita na iniwan sa akin bago ka lumayo. Paalam, maging masaya ka sana sa desisyon mo.