princessmhi_
Si Ashton Daikei Villarico, isang lalaking may matibay na pananaw sa buhay. Sa kanyang isipan, ang mga bakla ay hindi karaniwang tao, lalo na ang mga baklang may mahahabang buhok at nagsusuot nang damit pambabae.Ayon sa kanya hindi sila dapat tanggapin sa lipunan.
Isang araw, nakilala niya si Mayumi Bautista, isang bakla na itsurang babae na may magandang pagkatao at mapagmahal na puso.
Dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari nagkatagpo sila. Sa simula, ayaw ni Ashton kay Mayumi dahil sa kanyang pagkakakilanlan. Ngunit habang nagpapatuloy ang kanilang pagsasama, nagsimula niyang makita ang ibang panig ni Mayumi.
Makikita mo ba kung paano magbabago ang pananaw ni Ashton tungkol sa mga bakla sa pamamagitan ng kanyang pakikipag-ugnayan kay Mayumi? Mamahalin niya ba si Mayumi tulad ng isang tunay na babae?