lalenatsha
Si Miu, ang tinaguriang Nation's Sweetheart ng bansa, ay nabubuhay sa mundong kontrolado ng scripts, filters, at luxury brands. Pero nang bumaba ang kanyang ratings dahil sa pagiging "masyadong perpekto," naisip ng management ang isang radikal na reality show: ang "Miu: Unfiltered."
Dito niya makikilala si Lena, isang masungit, pabalang, at hardworking na freelance photographer/videographer mula sa masikip na eskinita ng Project 25. Si Lena ang naatasang mag dokumento ang 40 oras na pananatili ng aktres sa kanilang maliit at mainit na bahay.
Mula sa pakikipag-away sa sirang electric fan, pag-aaral gumamit ng tabo, hanggang sa pagkain ng balut sa kanto, madidiskubre ni Miu na ang totoong kagandahan ay wala sa billboard, kundi sa mga sandaling hindi kailangan ng retouch. Pero sa likod ng bawat lente at bawat asaran, may mabubuong damdamin na susubok sa kanilang dalawa-kakayanin ba nila na manatiling totoo sa harap ng mapanghusgang spotlight ng showbiz?