aepenname
Sa lipunan, palaging nakikita ang mga babae bilang mahinhin, mahina, at kinakailangang protektahan.
Ngunit para kay Anze Leyn, ni isang beses ay hindi mo ito makikitaan ng pagkamahinhin, hindi rin ito mahina dahil kung titignan mong mabuti, hindi lang siya sa panlabas na anyo malakas tignan.
Simula ng makatakas siya sa mala impyernong lugar na iyon ay napagpasyahan niyang sanayin ang sarili sa kahit anong larangan kaya kahit anong ipagawa mo ay magagawa niya ito ng walang kahirap-hirap na siyang taliwas naman sa magiging kinabukasan dahil maaatasan siyang maging bodyguard ng isang sikat at bilyonaryong negosyante na para bang hindi pinalad dahil sa mga kamalasang kaniyang natatamasa.
Paano kaya masosolusyunan ni Anze Leyn ang lahat ng kamalasang natatanggap ng kaniyang amo? Magtatagal pa ba siya sa uri ng ganitong trabaho o magreresign nalang?
Tunghayan ang kwento nila.........