MiahStarlight
Sa korte, batas ang nangingibabaw. Pero sa labas nito, puso ang nagdedesisyon.
Isolde Marcelline Valeriana Reyes-isang 24 anyos na junior prosecutor na kilala sa kanyang talino, tapang, at paninindigan. Anak ng isang retiradong huwes, dala niya ang bigat ng pangalan at pangarap na magtagumpay sa mundo ng hustisya. Tahimik, masungit, at walang balak makipaglaro sa sinuman.
Hanggang sa bumalik sa buhay niya ang lalaking pinaka-ayaw niyang makaharap.
Adrian Lucian Sebastiano Cruz-isang 29 anyos na top defense lawyer. Mayabang, mapanganib ang ngiti, at palaging may hawak na alas sa bawat kaso. Para kay Isolde, siya ang simbolo ng lahat ng bagay na kinaiinisan niya: arogante, tuso, at palaging nananalo.
Pero sa bawat banggaan nila sa hallway, sa bawat matalim na salita at biro, may lihim na tensyon na hindi kayang itanggi. Labanan ba ito ng prinsipyo-o simula ng isang damdaming hindi nila kayang kontrolin?
⚖️ Enemies in law. Lovers in secret.
Sa mundong puno ng kasinungalingan at laro ng kapangyarihan, alin ang mananaig-ang batas ng korte, o ang batas ng puso?