lazyevns
"Bakit pakiramdam ko... may hinahanap akong taong hindi ko naman kilala?"
Mula pagkabata, paulit-ulit nang binabagabag si Kinzee Hayes ng iisang panaginip-isang lalaking hindi niya makita ang mukha, mga alaalang hindi niya maunawaan, at isang pangungulilang hindi niya maipaliwanag.
Nang makilala niya ang bago nilang professor na si Liam Marasigan, isang dating sikat na singer na biglang naglaho sa industriya, nagsimula ring magbago ang lahat. Sa tuwing magkakatagpo ang kanilang mga mata, paulit-ulit siyang tinatawag ng lalaki sa pangalang "Alia."
Sino si Alia?
Bakit tila kilalang-kilala siya ng isang taong ngayon lang niya nakilala?
Habang unti-unting nabubuo ang mga pira-pirasong alaala ng nakaraan, mapipilitan si Kinzee na harapin ang isang katotohanang kayang baguhin ang lahat ng pinaniniwalaan niya tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at tadhana.
Dahil may mga pangakong hindi natutupad sa iisang buhay...
At may mga pusong kahit limutin ng isip, hinding-hindi kailanman makakalimot