kkepjjang_
Tatlong buwan nang naka-confine si Davien Keanu Villareal sa psychiatric ward ng St. Aurelius Medical Center.
Tahimik siya. Hindi nakikipag-usap. Hindi rin tumitingin sa mata ng kahit sino. Para bang mas pinili niyang manatili sa loob ng Room 17 kaysa harapin ang mundong iniwan niya.
They call him DK, isang survivor siya ng isang aksidente na hindi niya kayang patawarin ang sarili niya.
Sa unang rotation ni Pandora Delanie Dizon bilang psych intern, akala niya handa na siya sa laha, breakdowns, panic attacks, o silent patients. Pero hindi siya handa kay DK. Sa lalaking mas gustong manahimik kaysa magsalita, pero kumakanta tuwing madaling-araw kapag akala niya walang nakakarinig.
What started as routine observation slowly became something else.
Mas mahahabang usapan. Mas tahimik na mga sandali. Mga tanong na hindi nasasagot ng clinical notes.
Habang unti-unting nalalaman ni Padd ang totoong dahilan kung bakit pinipili ni DK ang guilt kaysa paghilom, mas lalo rin niyang nare-realize na may manipis na linya sa pagitan ng pagiging doktor at pagiging tao.
Sa lugar na ginawa para sa paggaling, pareho nilang matututunan na ang pag-survive ay hindi sapat.
Minsan, kailangan mo ring payagan ang sarili mong mabuhay.
Disclaimer:
This story contains themes of mental health struggles, trauma, and survivor's guilt. Some scenes may be triggering for certain readers. Please read with caution.
The portrayal of psychiatric settings and therapy in this story is fictional and not meant to be a substitute for professional advice.
If you or someone you know is struggling, please seek help from a licensed mental health professional.