cvssieccino
Book 1 of the Lessons Not In The Textbooks Series
"Akala ko, ang pinakamahirap na part ng pagiging labintatlo ay ang pagsulat ng mahaba kong pangalan sa bawat quiz paper."
Para kay Callista Anastasia Silverio Montemayor, ang high school ay dapat sana ay tungkol lang sa pag-abot sa deadline, pag-iwas sa terror teachers, at paghahanap ng tamang pwesto sa canteen. Isang normal na buhay para sa isang babaeng may hindi-normal na haba ng pangalan.
Pero sa likod ng mga tawanan sa hallway at routine ng bawat bell, may mga bagay na hindi itinuturo sa textbook.
Walang kontrabida. Walang backstabbing. Ngunit sa gitna ng katahimikan ng kanyang paglaki, may mga piraso ng katotohanang unti-unting nabubuo. Isang lihim sa likod ng apelyidong Montemayor? Isang pagbabagong hindi niya hiningi? O isang twist na magpapabago sa lahat ng alam niya tungkol sa kanyang sarili?
Dahil sa edad na labintatlo, hindi lang ang boses o ang height ang nagbabago-pati ang mundong kinagisnan mo, biglang nag-iiba ng kulay.
Handa ka na bang tuklasin ang mga "lessons" na hindi mo mababasa sa libro?