navarro21
Aldren Reyes has always lived at the bottom-no Inner Core, no power, and no future.
Sa isang bansa kung saan sinusukat ang halaga ng tao sa lakas ng kanilang Core, si Aldren ang itinuturing na "Walang Laman"-isang imposibleng estadong dapat ay katumbas ng kamatayan.
Pero nagbago ang lahat nang isang Rank A Rift Being ang biglang tumigil sa harap niya... at yumuko.
Nang magising si Aldren sa ospital, tumambad sa kanya ang isang asul na sigil, isang boses sa loob ng isip, at isang hologram na nagsasabing nagising na ang Ascension Code. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, siya ang naging Host ng isang Fragment-isang relic na dapat ay eksklusibo sa mga naturingang Champions.
At sa unang beses na bumukas ang "Bintana," isang Spirit Guardian ang lumabas-at kinilala siyang master.
Ngayon, habang papalapit ang mga Rift na hindi dapat umiral, at nagsisimulang pagdudahan siya ng mga Hunter at ng Association, kailangan ni Aldren harapin ang kapalarang hindi niya hiniling-ang pagiging Tagapagbukas ng mga Selyong Matagal nang naka-lock.
Sa mundong nababalot ng lihim, halimaw, at naglalakihang kapangyarihan, isang tanong ang papalit-palit:
Is Aldren the weapon that will save their world-
or the fracture that will end it?