iAmAfAnOfBtS1013
Ako si Leilani, pwedeng tawaging Ella or Leyla. Isang typical girl na naiinlove sa mga typical na lalaki. Kaso nga lang, pag naiinlove ako, sa huli lagi akong nasasaktan. So I promised to myself na hinding hindi na ako magmamahal ulit, kasi puro sakit lang ang dulot nito.
Until I met him.
Si Wesley Austria. Ang bagong organist ng choir namin. Gwapo na sana, matangkad, magaling magpiano, at sa unang tingin hindi mo aakalain na BADING siya.
Oo guys, bading yan. Bakla, jokla, third gender, juding at kung ano ano pang salita gusto niyong itawag diyan. Pero hindi niyo aakalain na kahit anong pagkababae sa kilos niya, ang isang tulad ko ay maiinlove sa kanya?
Nainlove ako kahit bading siya. Kaso ayun nga, pag magmamahal ako, masasaktan din ako. Then time flew so fast na kailangan ko nang iwan ang choir and pumunta sa ibang bansa para magtrabaho. Akala ko nakalimutan ko na siya. Akala ko makakalimutan ko yung sakit na dulot niya sakin. Pero pagbalik ko sa Pinas, nagkasalubong nanaman ang landas namin.
Kaya napagisip isip ako. Mahal ko pa ba siya? Or let go na kasi wala nang pagasa?