Jellyfishyako
Sa isang malaking kumpanya sa Makati, sanay na si Joshua Lim sa tahimik at maayos na takbo ng team nila. Bilang newly hired assistant, dumaan siya sa adjustments, overtime, at pressure-pero unti-unti na siyang nagiging komportable sa current manager at sa mga ka-team niya na parang pamilya na rin ang turingan.
Pero isang announcement ang magbabago sa lahat.
"Next month, we will be welcoming our new department manager-Kyle Ramirez."
Simula noon, parang rollercoaster na ang lahat-mixed emotions, office tension, silent competitions, at mga desisyong pwedeng magpabago ng career at puso.
Sino nga ba si Kyle? Mabait ba siyang leader o magiging dahilan ng pagkawatak-watak ng team? At paano haharapin ni Joshua ang mga pagbabago-lalo na kung may kakaibang koneksyon siyang mararamdaman sa bagong manager?
Isang kwento ng ambition, loyalty, pressure, at damdaming hindi inaasahan.
Let's read the story as it unfolds.