marx_xr
Mga Salitang Hindi Ko Nasabi
Panliligaw Edition
"Hayaan mong ipakita ko."
May mga damdaming hindi sapat na sabihin lamang-mga salitang kailangang samahan ng oras, pagsisikap, at mga munting bagay na paulit-ulit nating ginagawa para sa taong gusto nating makasama.
Dahil minsan, ang tunay na panliligaw ay hindi tungkol sa kung gaano karaming salita ang kaya mong sabihin, kundi kung gaano ka kaseryosong ipakita ang nararamdaman mo.
Panliligaw Edition is a collection of poems about the quiet effort of pursuing someone you care about. Mga tulang isinulat para sa mga paghihintay, mga simpleng pag-aalala, mga mensaheng umaasang masasagot, at mga pagkakataong pinipili mong magpakita kahit hindi mo alam kung saan hahantong ang lahat.
Hindi nito ipinapangako na magiging kayo. Minsan, may pag-asa. Minsan, may pagdududa. Minsan, kailangan mong matutong maghintay nang hindi namimilit.
Dahil ang panliligaw ay hindi lamang tungkol sa pagkuha ng "oo."
Ito ay tungkol sa pagpapakita kung bakit karapat-dapat pakinggan ang puso mo.
At habang hinihintay mo kung darating ang araw na pareho na ang inyong nararamdaman, may isang bagay kang patuloy na kayang gawin-
Hayaan mong ipakita ko. π·