Gemae_Ruth007
Sa isang baybayin na binabantayan ng isang matandang lighthouse, nanirahan ang pamilya Montalban - makapangyarihan, marangal sa paningin ng marami, ngunit puno ng lihim na pilit ikinukubli sa paglipas ng panahon.
Si Isabella "Bella" Montalban, ang kaisa-isang anak ng Don, ay lumaking palasak sa luho ngunit uhaw sa kalayaan. Sa kabila ng mariing pagtutol ng kanyang ama, napalapit siya sa isang simpleng mangingisda - si Rafael "Rafa" De Castro - na tila may koneksyon sa dagat at sa lighthouse na hindi maipaliwanag.
Ngunit sa pagitan nila, nakatayo si Victoria "Vicky" Alcaraz - kaibigan na naging karibal, at babaeng handang gawin ang lahat para sirain ang pagmamahalan ni Bella at Rafa. Sa pag-ikot ng tadhana, lilitaw ang mapait na katotohanan: ang pag-ibig na ipinaglaban nila ay bawal pala mula sa simula.
Isang bagyong gabi ang magbabago sa lahat. Mawawala si Bella sa gitna ng unos, iiwan ang isang diary na maglalantad ng mga kasinungalingan, kasakiman, at dugo ng nakaraan. Ngunit hanggang kailan mananatiling nakabaon ang mga lihim, kung ang dagat mismo ay tila may paraan para ibalik ang lahat sa pampang?
Sa Paraiso ng kahapon, may mga alaala at sumpa na kailanman ay hindi mawawala.
Pero Hindi po talaga Ang sila mga karakter nayan kundii ay si.......
Ayan Kase Ang ala ala sa mga nakaraan na karakter pero iba yung totoong mga karakter....
Ang istorya na ito ay kathang isip lang ito ay gawa gawa laman