Vercelle30
PROLOGUE:
Lovable, Kindly, artistic and talented. Ako ay nagmula sa isang mayamang pamilya. Lahat ng gusto ko ay binibigay sa akin ng aking mga magulang, sapagkat ako ay nag-iisang anak lamang. Oo mag-isa lang ako, kaya nga lahat ng hinihiling ko binibigay agad. Para hindi masabing boring ang buhay ko, gumagawa ako ng sariling avatar mapa sketch o tablet. Doon ko tinutuon ang bawat oras na lumilipas. Isang araw gumawa ako ng sketch tungkol sa aking pinapangarap na lalaki. Tuwang tuwa ako kasi napaka perpekto niyang tingnan, lahat nang gusto ko sa lalaki nasa kanya. Minsan hiniling ko na sana totoo siya, gumagalaw at humihinga. Pero paano kung ang hiling na iyon ay magka totoo? Paano kung mainlove kayo sa isat isa? Pero eka nga walang permanente sa mundo, lahat ay pwedeng magbago at mawala. Ako si Alexandra Yuki ang babaeng nagmahal sa isang drawing na lalaki.