MysteriousGirl1008
hindi inakala ni Lira Santiago, isang tahimik pero matalinong history scholar, na isang gabi sa National Library ay babago sa buong buhay niya. Habang nagdi-digitize ng mga lumang dokumento, napadpad siya sa isang restricted archive room at doon niya natagpuan ang isang nasunog na journal mula 1898 na hindi dapat buksan.
Ang journal ay pagmamay-ari ni Francisco "Maestro Isko" Rivera, isang rebolusyonaryong lider na wala sa kahit anong history book. Pero mas nakakakilabot ang sumunod na natuklasan:
Ang huling pahina ay nakapangalan sa kanya.
"Lira Santiago... sa'yo ko iniiwan ang rebolusyong hindi naisulat."
As Lira digs deeper, nalaman niya ang tungkol sa Bantay sa Dilim, isang lihim na grupong nakipaglaban para sa kalayaan pero sinadyang burahin sa kasaysayan. Mula sa mga nawawalang dokumento hanggang sa mga pangyayaring hindi tugma sa textbooks, unti-unti niyang nabubuo ang rebolusyong hindi dapat matuklasan.
Pero habang lumalalim siya sa sikreto
may mga taong sumusunod sa kanya.
May mga file na biglang nawawala.
At sa bawat gabing binabasa niya ang journal, mas nagiging malinaw ang mga panaginip niya tungkol kay Maestro Isko... parang alaala na hindi naman dapat sa kanya.
Caught between a love that began a century too late and a truth na pilit itinatago ng makapangyarihang tao, Lira must choose:
Ilalaban ba niya ang kasaysayang pilit binura?
O magiging isa rin siyang pangalan na hindi kailanman naisulat?