MysteriousGirl1008
Sa harap ng lahat, sila ang couple na hinahangaan
perpekto sa pictures, sweet sa camera, at palaging trending.
Pero ang hindi alam ng mundo,
kasunduan lang ang lahat.
Isang buwang pagpapanggap ang naglapit kina Lyra Belle Santos at Ace Julian Herrera. Walang feelings. Walang selosan. Walang aamin. Dahil kapag may umibig, may masasaktan.
Habang pinapanood sila ng lahat,
sa likod ng ngiti at hawak-kamay, unti-unting nabubuo ang isang pag-ibig na hindi dapat naging totoo.
"Mahal nila tayo... pero paano kung tayo na rin ang maniwala?"
Sa gitna ng isang viral scandal, mga lihim na hindi dapat mabunyag, at isang confession na dumating nang huli na
kailangan nilang pumili:
ang pag-ibig na totoo pero bawal, o ang mundo na minahal sila kahit kasinungalingan lang ang lahat?
Isang kwento ng kilig na masakit,
pag-ibig na minahal ng mundo,
pero isinuko ng dalawa.