Coffeeflt
Sa laro ng pag-ibig mayroong nanalo at mayroon din namang natatalo. Kahit ilang beses mo pa bigyan ng tyansang magbago, kung hindi talaga ikaw ang tinitibok ng puso nito ay hinding-hindi ka mananalo.
Para kay Cyrus, ang heartbreak ay hindi lamang pasakit ang dulot, nakatatapak rin ito ng ego. Nang maghiwalay sila ng kanyang ex, tila nawalan na rin nang gana si cyrus na amgseryoso pagdating sa pag-ibig. Pabago-bago ang kausap nito sa bawat linggo hanggang sa mahanap niya ang kanyang katapat na isa ring takot magmahal dahil paulit-ulit sinaktan, ito si Alexa.
Paano kung ang dalawang nasaktan ay magtatagpo?
Maaari kayang sa kahapon ay muling matututo?
O mananatili nalang ang takot sa puso,
at ipagsasawalang bahala ito?
Gagaling kaya ang mga sugat sa puso?
Kapag yakap ng pag-asa ang naging gamot nito?
O baka naman ito'y maghilom nang bahagya,
Ngunit sa kaunting sagi ay muling magdurusa?
Mayroon kayang mananalo o di naman ay matatalo?
Kung ang laban ay laban ng damdaming totoo?
O baka walang panalo, walang talo,
Kapwa lang sugatan sa dulo ng pagsamo.
Paano kung parehas silang mahulog sa isang laro?
Isang laro ng pusong di sigurado?
Sino ang magtataya? Sino ang aatras?
Kapag ang pagmamahal ay muling nagwakas.