nobelanianna
Sa gitna ng ingay ng court at pressure ng isang mahalagang basketball tournament, biglang bumagsak ang mundo ni Zephyr-isang varsity player na kilala sa pagiging clutch, pero hindi handa sa pagkawala ng kanyang ama at sa katotohanang hindi na niya makikilala muli ang kanyang matagal nang hinahanap na ina.
Sa gitna ng pagkatalo at personal na pagkalugmok, hinamon siya ng tatlo niyang matitinding kaibigan-Jiro, Migs, at Teban-sa isang dare na tila simpleng laro lang: sa loob ng tatlumpung araw, kailangan niyang mapa-inlove ang isang babaeng hindi nagpapalapit ng kahit sino, at kapag inamin na nito ang nararamdaman, doon niya sasabihin ang totoo-na isa lang itong laro at parusa.
Ang problema? Ang target nila ay si Kael Aragon-isang tahimik, malamig, at masungit na babae na tila may sariling mundo at sariling dahilan kung bakit ayaw niyang magpalapit sa iba.
Habang pilit siyang lumalapit, nangungulit, at nagpapapansin kay Kael araw-araw-sinusundo siya, hinihintay sa gate, sinasabayan pauwi, at binubuhat ang bag niya kahit hindi naman hinihingi-unti-unting nagiging parte ng routine niya ang presensya nito, at nagiging sandalan niya laban sa katahimikan ng sariling bahay at sa bigat ng mga alaalang hindi niya matakasan.
At pagdating ng ika-30 araw, sa parehong park kung saan siya laging naghihintay para kay Kael, haharap siya sa isang katotohanan na hindi niya na kayang iwasan-na minsan, ang mga larong sinisimulan mo bilang biro... ay may kakayahang baguhin ang buong buhay mo.
Tungkol sa isang lalaking natutong tumawa muli, magmahal muli, at harapin ang sarili niyang sakit-dahil sa isang babaeng hindi niya dapat minahal, pero siya pala ang magiging dahilan kung bakit gusto niyang manalo ulit sa buhay.