ellekeith
Isa siyang babaeng napilitang makipaghiwalay sa lalaking minsan niyang minahal-isang lalaking hindi lang basta makapangyarihan, kundi bahagi ng isang mapanganib na mafia organization. Ngunit para sa lalaki, ang kasal nila ay hindi kailanman naging tungkol sa pagmamahal. Isa lang itong obligasyon... dahil ang puso niya ay para sa ibang babae.
Sa gitna ng malamig at walang damdaming pagsasama, siya ang laging naiwan-tahimik na nasasaktan, pilit na kumakapit sa isang relasyong hindi naman talaga para sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw na pinili siyang iwan, walang pagdadalawang-isip, para sa babaeng tunay niyang mahal.
Ang hindi alam ng lalaki-buntis siya noong panahong iyon. Bitbit ang lihim, pinili niyang lumayo at magtago, kahit masakit. Wala siyang ibang choice kundi protektahan ang batang dinadala niya, ilayo ito sa mundong puno ng karahasan at kapangyarihan, at sa amang hindi naman siya pinili.
Lumipas ang mga taon, pinalaki niya ang kanyang anak sa tahimik na buhay, laging nagtatago, laging handang tumakbo. Dahil alam niyang kapag nalaman ng ama nito ang katotohanan, hindi ito titigil hangga't hindi niya nababawi ang anak-hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa kontrol.
Ngunit ang nakaraan ay hindi madaling takasan. Sa isang iglap, muling nagkrus ang kanilang landas. At sa pagbabalik ng lalaking iniwan siya-kasama ang mundong pilit niyang tinakasan-bumalik din ang sakit, galit, at mga damdaming pilit niyang kinalimutan.
Sa mundong kontrolado ng mafia, wala nang ligtas na lugar para magtago. At ngayon, kailangan niyang harapin ang lalaking hindi siya minahal-ang ama ng kanyang anak-habang ipinaglalaban ang tanging bagay na meron siya... ang kanyang pamilya.