JaellyDelaine
Sa isang palasyo ng The Green Palace, dito makikita lahat ng mga mayayamang tao, mga prinsesa't prinsipe, The King and The Queen, The knights of Blue moon, and the mother of green land Palace, o mas kilalang Mother of Green. Tinawag itong mother of green dahil ang humahawak ay si Qn.Denniyah MacQuoid na kilala dahil sa kanyang kapangyarihang hinahawak na kayamanan ng lahat. Siya rin ay humawak ng The Green Palace noon ngunit dahil mahina na ito ay tumigil na sya sa pag hawak nito, wala pang ibang namamana nito dahil sa paatuloy na pagpapakitang gilas ng ibang mayayaman upang sa pag-hawak nito.
Bella Nicole 'Vera Fuente ay isang purong pilipino na nakatira malapit sa lugar ng The Green Palace. Nais makatira ni Bella roon at pangarap nyang makapag aral sa lugar na iyon, ngunit bakit nga ba wala roon si bella?. Ang sagot dahil wala silang dalang kayamanan na maipapakita. Maari namang makapasok roon si bella ngunit dahil sa kanyang apilyido na marami ng naging kaso ay tinitignan sila ng mababa.
isang araw ng makalabas ng kabukiran si bella ay masaya naman syang natatanaw ang araw ng umaga. Sa labas ng palasyo ng The Green Palace ay masaya syang nagtitingin ng mabibili habang masaya din syang nakikita ang mga taong kasama ang mga mahal nila mga bata, mga taong galing trabaho. Habang tumitingin ito ng mabibili ay may natanaw syang isang lalaki sa tabi ng pasukan ng palasyo, nakuhanan ng pansin ni bella ang lalaki dahil sa matamis na ngiti nito. Naka-salamin ang lalaki, naka kupya ng kulay Brown, naka-Coat ng brown and pang-loob nito ay kulay puti. Lapitan sana nito ni bella upang makita ng maayos ang mukha nito ngunit bago pa mangyari ang lahat ng iyon ay sumakay na ang lalaki sa sasakyan na kalesa, hindi na nya natanaw pa muli ang lalaki ngunit masaya parin ito dahil nakita nya ang lalaki kahit pa na hindi na nya ito makikitang muli.