celinapokerat
Description:
Akala ni Kael, simpleng bahay lang ang kanyang nabili-lumang mansyon na mura pero puno ng misteryo. Sa katahimikan ng bawat sulok, may boses na kumakanta, may halakhak na umaalingawngaw sa dilim.
Hanggang sa makilala niya si Celestia, isang magandang multo na hindi nakakatakot kundi nakakabighani. Mula sa takot, napalitan ito ng awa... hanggang sa tuluyang maging pagmamahal.
Pero paano nga ba magmahal ng isang nilalang na hindi na kabilang sa mundo ng mga buhay?
At hanggang kailan ang isang pag-ibig na nakatali sa isang sumpa?