Caelestis_Nova
Si Elyse Devorah, ang babaeng lumaki sa magulong sistema ng kanyang angkan. Ngunit isa lang ang kanyang layunin- ang mabigyan ng magandang buhay ang Lola Gemma at ang kanyang nakababatang kapatid. Dahil sa kanyang layunin ay nagumpisa ang kamalasan na dumating sa kanyang buhay. Lapitin ng kapahamakan si Elyse ngunit may isang tao ang palagi siyang inililigtas kapag nasa panganib ang kanyang buhay.
Walang iba kundi si Daelan Kurt Lacson. Her Knight in Shining armor. Hindi akalain ni Elyse na ang lalaki pa mismo ang magiging dahilan ng patuloy na pagaling ng kanyang Lola Gemma. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ito pa pala ang magiging dahilan ng lalong pagkasira ng buhay ni Elyse, kung kailan minahal na niya ito ng sobra.
Tuluyan nang naglaho ang lahat dahil sa galit. Nilamon ang mga puso sa puot at pait na nakaraan na hanggang ngayon ay hindi pa nababaon sa limot dahil sa isang krimen na hindi pa nalulutas.