AkoSiJAPL1998
Hindi masama ang maging guro. Hindi rin masama ang maging yaya. Mahirap maging guro, gayundin ang pagiging yaya. Tapos na ang mga araw ng paghihirap at isa nang ganap na guro si Stella Marie Llarazabal at handa na siyang magturo bilang propesor sa Locsin Normal University. Kaya lang, sa pagsisimula ng kanyang yugto sa pagtuturo ay bigla na lang niya makikilala ang napakagwapong mayaman ngunit mapaglaro at tuso na si David James Tan sa isang hindi sinasadyang banggaan. Sa isang banggaan magsisimula ang lahat kung bakit magiging komplikado ang lahat sa buhay ni Stella. At ang mas grabe, siya pa ang naatasan na mag-alaga sa nakababatang kapatid ni David James na si Rachelle. In short, YAYA. Makayanan kaya niyang balansehin ang dalawang trabahong kanyang ginagawa kahit na magiging komplikado ang sitwasyon? Magkakaroon kaya ng pagtuklas ng malaking pagbabago sa buhay ng dalaga? Ang pagiging yaya at guro kaya ang magiging susi para buksan ang pinto ng kapalaran ng ugnayan niya kay David James tungo sa pag-ibig na kay tagal na inaasam?