Yours_Truly_Cy
Nu'ng kinalaban si Quade ng kaniyang apat na kapatid dahil sa inggit, napilitan siya tanggalin ang kaniyang apat na pakpak at ikalat sa lupain ng pilipinas.
"Quade! H'wag mo ng patagalin pa ang laban, laban na alam mong hindi mo ikakapanalo!"
habang nakatutok kay Quade ang diyamanteng espada ang espada ay tumututok sa kaniyang leeg.
"Javier, walang sino man sa inyong apat ang may karapatan na kumuha ng kapangyarihan sa aking pakpak! dahil ang mga katulad ninyong maiitim ang budhi ay dapat mapunta sa dagat dagatang apoy!"
nakaluhod na si Quade sa lupa habang pinalilibutan siya ng tatlo niyang kapatid na si, Javier, favio, at si sylvas na nag i-isang babae sa kanilang magkakapatid
"hindi ko lubos maisip na kayo mismo ang nagtanim ng inggit sa inyong mga sarili, inggit na kahit pumaslang pa kayo ng ka-anak ay handa niyong gawin!"
ramdam ni Quade ang tulo ng pawis, luha, at dugo sa kaniyang katawang sugatan, puno ng galos at sugat
"hindi hahantong sa ganito kung hindi ka makasarile, Quade"
wika ni sylvas habang nakatutok kay Quade ang mahiwagang patpat
"Walang saysay ang pagsabe mo sa akin ng makasarile sylvas, dahil ikaw mismo ang gustong kumamkam ng kapangyarihang hindi naman sayo!"
iwinagayway na ni sylvas ang kaniyang mahiwagang patpat, ngunit pinigilan siya ni favio
"ako ang tatapos, huling sambit? munting kapatid."
nakataas na ang sandata ni favio ngunit may binigkas si Quade na ikinagulat nilang lahat
"Aking isinusumpa, na walang sino man sa aking mga kapatid ang hahawak sa mga pakpak, mga pakpak na nangangalaga sa kalikasan, at sa tamang panahon ito ay makukuha ng mga mortal na may busilak na puso, akin ding tinatanggal ang pakpak sa aking likuran kahit na ang kapalit nito ay ang pagkagapi ng aking buhay"
nagulat sila ng lumiwanag ang likod ni Quade at nawala ang pakpak nito, sa galit nila ay sabay nilang pinag papapaslang si Quade, ngunit hindi pa din nila mahagilap ang mga pakpak nito.