just_ush
Sa mundo ng karahasan at kasinungalingan, walang puwang ang pag-ibig. Pero paano kung ang isang hiling ay maging dahilan ng isang hindi inaasahang kapalaran?
Dominic "Nico" Alcaraz-isang kilalang mafia boss na may mabagsik na pangalan, ngunit may pusong nananabik sa isang bagay na hindi niya kailanman naranasan-ang tunay na pag-ibig. Sa kabila ng kanyang mapanganib na mundo, marunong siyang rumespeto at maging isang tunay na lalaki sa harap ng babaeng mahalaga sa kanya.
Celestine "Celine" Madrigal-isang kilalang heiress, mayaman, maganda, at mabait. Sa kabila ng marangyang buhay, alam niyang may kulang. Nang kinidnap siya ni Nico, hindi siya nagpadala sa takot. Sa halip, nakita niya ang lalaking nagtatago sa likod ng malupit na maskara-isang lalaking nauuhaw sa pagmamahal.
Nang ialok ni Nico ang kasal para protektahan siya at para na rin mapalapit dito, tinanggap ni Celine ang alok. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pagnanais niyang maramdaman ni Nico kung ano ang tunay na pagmamahal-yung hindi base sa takot o kapangyarihan, kundi sa tiwala at pag-aalaga.
Ngunit sa pagdaan ng mga araw, ang kasunduang kasal ay naging masalimuot. Mabubuksan ang puso nilang pareho, ngunit sapat ba ang isang hiling upang mapunan ang lahat ng pagkukulang? O mananatiling lihim ang pag-ibig sa gitna ng panganib?
Isang kwento ng pag-ibig, sakripisyo, at pag-asa. Dahil minsan, ang hiling na pagmamahal ay darating sa pinakadiin ng mga pagkakataon.