rheannamndz
Sa isang baryo sa Thailand ay may isang masipag na magsasaka na ang pangalan ay Dur-Yan na naninilbihan sa isang madamot, malupit at mapang-aping si Mr. Benson, isang Briton na may-ari ng malaking bukid. Araw-araw ay nasa bukid siya at puspusang nagbubungkal ng lupa at nagtatanim ng binhi ng mga gulay at prutas upang magkaroon ng masaganang ani. May mga panahong na ang katawan niya ay halos sumuko na pero siya ay nagpupursige pa rin magtrabaho. Dahil sa kanyang pagiging masipag ay naging malago ang bukid at lahat ng mga mahihirap na tao sa kanilang baryo ay sa kanya humihingi ng gulay at prutas. Bukod pa sa pagiging masipag, si Dur-Yan ay napakabait dahil ipinagtatanggol niya ang kapwa niya mahihirap sa malupit nilang amo. Dahil sa pagtatanggol sa anak ng isang magsasaka, siya ay namatay at lahat ng mga taong tinulungan niya ay nalungkot ng labis at inalala ang kasipagan at kabaitan niya kaya tinuring siyang parang hari at kalaunan ay tinawag na Durian, Hari ng mga Prutas.