Turoron_turon
Ang Akdang Pinsang Hindi Kasali ay tumatalakay sa tagong istoryang nakakubli sa bawat pamilya. Hindi karaniwan, ngunit maaaring mangyari sa totoong buhay.
Ito ay pagkukwento ng nagsasalaysay tungkol sa pinsan niyang hindi kilala. Nababalot ng hamog ang pagkatao nito at ang luha lang ang tanda ng pagiging magkapamilya. Nais ng kwento na magtanong ang mambabasa, magtanong kung tunay nga ba ang lahat ng kanilang nakikita. Magmasid, kilalanin ang mga taong araw-araw nakakasalamuha. May kwento sa likod ng kanilang mga mata, kwentong maaaring katulad ng pinsang hindi kasali.