cjxy_pen
"Kung mahal mo ay handa mong panghawakan at bitawan..."
-Torya
"Kung totoo ang iyong pag-ibig, panindigan mo saan man ang patutunguhan"
-Cente
Bago mo basahin ang akda kong ito, may isa lamang akong katanungan.
(Naranasan mo na bang magmahal?)
Masaya ang mag mahal, ngunit hindi sa lahat ng oras ay kasiyahan lamang ang nananahan. Gaya na lamang ng istorya nila Vicente at Victoria, kung saan maipapakita kung ano nga ba ang reyalidad ng buhay mula sa kultura, kabuhayan at syempre... pagmamahal.
Sadyang kay liit nga ng mundo para sa dalawang pusong ang isa't isa ang tinitibok. Pag-uudyukin marahil kayo ng tadhana, ngunit... Paano kung ang ihip ng hangin ay mag iba? Pagmamahalan ba ay patungkol lamang ba sa galak at saya? Bakit kung kailan ka na maayos at sumasaya, doon ka pa paglalaruan ng tadhana.
Ni: Bb. Formentera