Athllaz
"Isang aksidente ang nagtulak sa akin sa nakaraan-sa taong 1890-kung saan nakilala ko siya... at minahal sa paraang ipinagbabawal ng tadhana."
Sa pagbabalik ng oras, si Elijah ay napilitang mamuhay bilang Marcelino Catacutan, anak ng isang pamilyang lugmok sa kahirapan at alipin ng kapangyarihan ng mga Delgado. Sa isang mundong pinaghaharian ng mga makapangyarihan, natutuhan niyang danasin ang pait, pasakit, at kawalang-hustisya na pasan ng mga dukha.
Ngunit sa gitna ng dilim, nakilala niya ang Heneral Andrés Emilio Delgado-isang makata sa puso, ngunit mandirigma sa labas. Sa bawat lihim na pagkikita, sa bawat salitang sinulat sa papel, unti-unting nabihag ang kanilang mga puso sa isang pag-ibig na hindi lamang bawal... kundi itinatakwil ng panahon.
Ngunit paano kung ang kanilang pag-ibig ay, kahit saang panahon, hinding-hindi aayunan ng pagkakataon?
Isang pagmamahalan na pilit na lumilipad ngunit paulit-ulit ding ibinabalik ng hangin-na para bang isang Eroplanong Papel.