RegineTyutTaborete
Masarap magmahal, yung tipong sobrang saya mo palagi kapag nakikita mo siya, kapag kasama mo, kapag hawak mo yung kamay niya, at kapag nararamdaman mo yung init ng mga yakap niya. Pero lahat ng yun mawawala dahil lang napakasakit na dahilan, na kahit sinu man ay di gugustuhing makapanakit ng dadamdamin ng iba pero mas may mahalaga pading tao at mga bagay na nagtutulak sayo para gawin iyon. Ginawa mo yun para may buhay kang madudugtungan, ngunit paano kung dahil mismo sa ginawa mo ay may bagong buhay na mawawala? Kung sana alam mo ang mangyayare. Ang daming SANA kang maiisip ngunit wala ka ng magagawa, kase tapos na at di na maibabalik.
Itong kwentong ito ay para sa mga nagpapakatanga, na naniwalang may pag asa pa, na nagmahal kahit pagod kana at dumating ang oras na hindi mo na kaya. Biglang magbabago at biglang mawawala na ang lahat lahat, pati IKAW.