RogenStory
# π¦ SCORPION LEGENDS: LEGACY OF THE SCORPION
Sa mga eskinita ng Tondo, hindi sapat ang maging malakas para mabuhay.
Kailangan mong malaman kung sino ang kakampi mo-at kung sino ang naghihintay na pagtaksilan ka.
Si **Genro Caratz**, 23, ay isang ordinaryong binata na mas pinipiling tumawa kasama ang kanyang tatlong matalik na kaibigan kaysa makialam sa mundo ng mga gang.
Kasama sina **Bitoy, Rapoy, at Sayrone**, nabuo ang barkadang kilala bilang **Four Python**.
Apat na magkakaibigan.
Isang pamilya.
At isang pangakong hindi nila bibitawan ang isa't isa.
Pero isang araw, may mga taong nagsimulang maghanap kay Genro.
At kasabay nito, unti-unting bumabalik sa Tondo ang mga pangalang matagal nang inilibing sa nakaraan.
Isang mafia family na tinatawag na **Scorpion Legends**.
Isang alamat na nagngangalang **Cap. Gero**.
Isang pamilyang Arise na naghahanap ng paghihiganti.
Isang babaeng leader na hindi inaasahang magiging mahalaga sa buhay ni Genro.
At isang lihim na maaaring magbago sa lahat ng pinaniniwalaan nila tungkol sa kanilang nakaraan.
Sa mundong puno ng **loyalty, brotherhood, love, betrayal, power, at revenge**...
minsan, ang pinakamalaking tanong ay hindi kung sino ang kalaban.
Kundi-
**"Sino ang tunay na pamilya mo?"**
π¦ *One of us get hurt, all of us stand up.*
**This is the legacy of the Scorpion.**