RiderngDilim
Ako si Lance. 24. Taga Caloocan. Move It rider.
700 pesos a day. Amoy usok. Mura ng pasahero. Iniwan ng asawa kasi "walang future pag rider ka lang."
Sanay na ako sa "Boss, ang bagal mo!" at "Kuya, ang baho ng helmet mo!"
Hanggang sa isang gabi, may sumakay na VIP sa BGC.
Naka-barong. May dalang attaché case na naka-posas sa kamay. May lamang 5 MILLION.
Hinabol kami. Binaril siya sa harap ko. At bago siya mamatay, binigay niya sakin ang case.
"Dalin mo kay Don Alonzo. Sabihin mo galing kay Don Vicente."
Isang Move It rider, hawak ang perang hindi kanya. Hinahabol ng mga taong may baril.
Pag binigay ko ang pera, ligtas ako.
Pag kinuha ko, mayaman ako.
Pero may pangatlong pagpipilian pala...
Maging kapalit niya.
From Move It rider... to Mafia Boss ng buong Quezon City.
Mabuting ama pa rin ba ako kung marumi na ang kamay ko?
---
⚠️ WARNING: May barilan, mura, at totoo