annswersonly
(COMPLETED)
Akala ko ang pagmamahal ay kailangang isigaw upang mapansin. Akala ko kailangang isulat ito sa pagitan ng mga pahina ng tadhana para mabasa mo, o iparinig sa'yo sa pamamagitan ng tinig kong nanginginig sa damdamin. Akala ko kailangang haplusin ang puso mo gamit ang mga palad kong umaasa, para maramdaman mong totoo ito
Ngunit habang lumilipas ang panahon, minahal kita sa paraang ako lamang ang nakakaalam, sa isang tahimik na pag-asang maaabot ka nito mula sa malayo.
Hindi ko alam, pero pati pala ang katahimikan ay may tinig, isang tinig na nagkukuwento ng damdaming pilit kong ikinubli.
'Yon pala, kaya kitang mahalin kahit walang salitang binibitawan-kaya kitang mahalin nang tahimik."