cookiesniSel22
Si Selene De Luna Mariano ay isang simpleng babae na napamahal sa lalaking si Raico. January 18 2025 nang itigil nila ang sinasabi ng karamihan na "No Label Relationship" . Ngunit pagsapit ng January 19 2025 sa di inaakalang pag gising ni Sel, bigla na lamang siyang hinigop ng librong nasa kanyang harapan. Doon niya natuklasan na siya ay dating katulong ng Prinsipeng si Raico. Ngunit isang araw sa kanilang room ay nakita niya ang librong humihigop sa kanya, ito ay nasa loob ng bag ni Raico. Ang bawat nakatakdang nangyayari ay biglang naiiba. Hindi malaman ni Sel kung bakit sa muli niyang pagbabalik sa libro ay naging isa siyang maharlikang prinsesa na nakatakdang ikasal sa Prinsipeng si Raico.
Ang tanong sino kaya ang taong bumabago ng kapalaran nilang dalawa sa libro? At papaano napunta kay Raico ang librong nagdadala kay Sel sa sinaunang panahon ng kanilang storya?