flowerayys
Si Seraphine Lioré Virelle Kaizen spent most of her life chasing one thing - justice.
Bilang isang batang abogado na kilala sa sunod-sunod na panalo sa korte, marami ang naniniwalang nasa kanya na ang lahat. Pero hindi nila alam kung gaano kabigat ang dahilan kung bakit siya lumalaban.
Sa loob ng maraming taon, iisa lang ang laman ng isip niya: ang maibigay ang hustisyang matagal nang ipinagkait sa mga magulang niyang sina Kaizen Lorch at Graceian Virelle.
At nang tuluyan niyang makuha ang hustisyang matagal niyang ipinaglaban, akala niya magiging sapat na iyon para matahimik siya.
Pero minsan pala, kahit makuha mo na ang matagal mong hinihintay, hindi ibig sabihin no'n alam mo na kung paano magsimulang muli.
Kaya iniwan niya ang mundong sanay siyang lumaban at piniling tahakin ang ibang landas.
She pursued nursing - hoping that maybe, this time, she could learn how to heal instead of survive.
Sa bagong mundong unti-unti niyang kinasanayan, nakilala niya si Lennon Vincent Ravelle - isang doktor na tahimik lang din ang mundo.
Pareho silang may mga pagkawala na hindi madaling ikwento. Pareho silang natutong mabuhay nang may kulang. At sa mga tahimik na sandaling hindi kailangang magsalita, doon nila unti-unting naintindihan ang isa't isa.
Sa pagitan ng nakakapagod na duty, late-night coffee, at mga araw na pareho silang pagod sa buhay, may mga ngiting dahan-dahang nabuo - ngiting hindi sigurado kung kailan tatagal, pero piniling damhin habang nandiyan pa.
But healing was never meant to be easy.
Dahil habang natututo silang sumaya ulit, may mga bagay mula sa nakaraan na unti-unting bumabalik - mga alaalang akala nila tapos na, at mga sugat na hindi pa pala tuluyang naghihilom.
And in the end, not every story is meant to stay forever.
Some people come into your life, teach you how to live again... and quietly become a memory you'll always be grateful for.