inked2night
They say love is blind. Mine was a complete eclipse.
Akala ni Gifth na ang pagiging secret wife ng isang powerful business man ay isang sakripisyo para sa pag-ibig na balang araw ay kikilalanin. Tiniis niya ang lonely nights, ang public humiliation ng mistress nito, at ang palihim na kaalaman na ikinahihiya siya ng sarili niyang asawa. She was his convenient secret, his loyal fool.
Hanggang sa dumating ang araw na tinanggal niya na ang piring.
Ngayon, tapos na si Gifth sa pagiging tahimik. Gusto niya ang diborsyo, pero gusto rin niyang magbayad ang asawa niya. Para gawin ang ultimate revenge, kailangan niya ng isang lalaki para pagselosin at lunurin sa pagsisisi ang cheating ex-husband niya. Pumili siya ng isang notorious at high-profile figure bilang fake lover niya.
Pero ang "lalaki" na pinili niya, ang guwapo at dominanteng si Syx, ay may dangerous secret: matagal na niyang hinihintay ang kalayaan ni Gifth. Ngayong nakuha na niya ito, ang revenge na plano ni Gifth ay baka maging riskiest romance ng buhay niya.