JojoDada0327
Sa di inaasahang pagkakataon,
Ang isip man ay sa iba nakatuon,
Bawat buhay ng tao dito sa mundo,
May nakalaan na ditong tamang tao.
Bawat araw, oras, minuto, segundo,
Ay pwedeng biglang magbago ang buhay mo,
May mga taong lumalaban para mabuhay,
At may taong naghahanap ng daan patungong kabilang buhay.
Ang himala ay dumarating ng di mo inaakala,
May mga trahedya na isa palang pagpapala.