HettyWrites_13
"Sam....pakiusap 'wag kang lumingon. GAGO SABI KO 'WAG KANG LILINGON!"
Pitó silang pumasok sa isang bahay na dapat matagal nang patay.
Tahimik daw. Inabandona raw. Walang masamang mangyayari-sabi ng pinaka-sinungaling sa barkada.
Hindi nila alam na isang kulto ang dating nakatira rito. May mga dasal na hindi tinapos, ritwal na hindi isinara, at mga pangalan na ayaw kalimutan ng bahay. Nang mawala ang kapatid ng kaibigan nila, napilitan silang bumalik sa lugar na walang gustong balikan-kahit ang multo, mukhang sawa na rin.
Habang hinahanap nila ang katotohanan, unti-unting nabubunyag na hindi lang ang bahay ang may sikreto. May kasalanan ang bawat isa. May tinatago. May nagsinungaling. At may isa na dapat hindi na isinama sa bilang.
May mga yapak na walang paa. Tawa sa gitna ng dasal. At mga sandaling imbes na tumakbo... nagtatalo muna sila kung sino ang may kasalanan.
Sa Cu7prit, hindi lahat ng multo nakakatakot-pero lahat ng kaibigan, may potential.
At tandaan: huwag mong bilangin ang pitó, dahil laging may kulang.