Reyaaaaa
Si Alyssa Reyes, isang nerd pero maganda at tahimik na estudyante, ay sanay nang hindi pinapansin sa campus. Ang mundo niya ay umiikot lang sa mga libro, projects, at simpleng pangarap na makagraduate ng walang gulo. Pero biglang nag-iba ang takbo ng buhay niya nang makilala niya si Ethan Cruz - mayaman, pogi, campus heartthrob, at laging binibigyang atensyon ng lahat.
Sanay si Ethan na siya ang hinahabol ng mga babae, pero kabaligtaran si Alyssa: hindi siya interesado at pinipili na umiwas. Pero para kay Ethan, mas lalo lang siyang naeengganyo. Unti-unti, ginagamit niya ang charm at mga banat niya sa English para mapa-close kay Alyssa. At sa bawat araw na lumilipas, hindi na lang ito basta laro - nagiging totoo ang nararamdaman niya.
Samantalang si Alyssa, pilit na nilalabanan ang kakaibang kilig na nararamdaman tuwing binibigyan siya ng pansin ni Ethan. Hindi niya alam kung panloloko lang ba ito, o kung seryoso talaga ang campus crush na lahat ay gustong makuha. Pero habang tumatagal, natututo siyang sumagot ng ngiti, at unti-unting nahuhulog din ang puso niya.
Sa pagitan ng mga intriga, selos, at nakakakilig na banat, masasagot ang tanong:
Hanggang saan kayang pumunta ni Ethan para patunayan na si Alyssa lang ang gusto niyang maging kanya?