BagoKa97
Do you believe that every person we meet in our lives has a purpose? That's what Avery realized while blaming Cupid for making her fall in love with the most mixed-signal guy she had ever met, Aaron Marcellus.
She had to met him so she can finally learn her lesson.
Dalawang taon na ang nakakaraan simula noong huli silang nag-usap ni Marcel. Hindi naging maganda ang resulta ng huli nilang usapan.
Alam naman ni Avery na pagkatapos niyang i-cut off ang communication nila ng binata ay talagang hanggang doon na lang iyon. Sigurado siyang hindi niya na uli makakadapuang-palad ang lalaking binuo ngang muli ang puso niya, para lang pala sirain 'yon uli.
Kaya naman, hindi niya inasahan ang aksidente nilang pagkikita. Literal na aksidente -- dahil nabungga siya ng sasakyan nito. Paglabas ng driver sa kotse ay laking gulat niya nang makilalang si Marcel ito.
"Miss, I'm so sorry... are you.. A-Avery?!" bulalas ni Marcel nang silipin nito ang mukha niya.
Nakahandusay siya sa semento. Masakit ang tagiliran niya. At halos mawalan na siya ng malay sa sakit na nararamdaman.
Seriously, Kupido? Sa dinami-dami ng tao na nakabunggo sa'kin, bakit siya pa?