MorbidusMorbidus
Naniniwala ka ba sa soulmates? Sa fate o sa tadhana?
Yun bang ideya na may isang tao na nakatadhana s'yo. Isang tao na magmamahal sa'yo ng buo at tapat kahit na kalaban n'yo ang buong mundo. Isang tao na hahanapin ka kahit na sa dulo ng walang hanggan makasama ka lang. Isang tao na kailan man ay hinding-hindi makakalimot ang puso kahit na hindi na matandaan ng isipan. Isang tao na para lang sa'yo.