Morianacelestina Stories

Refine by tag:
morianacelestina
morianacelestina

1 Story

  • ARCANUM EMPIRE by morianacelestina
    morianacelestina
    • WpView
      Reads 150
    • WpPart
      Parts 5
    Tunay nga na malayo na ang narating ng mundo simula nang araw na likhain ito. Ilang libong taon na ang lumipas at patuloy ito sa pag-usad at pag-unlad sa iba't ibang paraan na naisin nito. Malaki ang bahagi ng modernong teknolohiya at naging mahalaga para sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Itinuturing ito na isa sa pinakamahalaga at makapangyarihang bagay sa mundo dahil sa dami ng kayang gawin nito. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga tao ang isang misteryosong lugar na nakatago sa mundo, na maging ang teknolohiya ay walang kapangyarihan upang arukin ito. Ito'y nanatiling lihim mula sa kamalayan ng marami at walang balak na lumantad at ipaalam ang kaniyang pagkakakilanlan sa mundo. Na maging ang mga kakaibang nilalang na naninirahan dito'y hindi nagnanais na makihalubilo pa sa mga tinatawag na mortal, dahil batid nilang masisira ang balanse at takbo ng mundo kung sila'y biglang lumantad at magpakilala. Hindi rin kakayaning intindihin at tagalan ng mga pangkaraniwang nilalang ang kanilang mga tinataglay na kapangyarihan. Ito ang dahilan kung bakit hanggang sa kasalukuyang panahon ay patuloy sila sa pamumuhay na hindi nahahayag sa sanlibutan. Sila ang mga nilalang na naninirahan sa Emperyo Arcanum, ang lugar na nababalot ng kapangyarihan ng misteryo at mga bagay na hindi makikita sa mundo na kinasanayan ng mga tao. Ang lugar kung saan ang kapangyarihan ay mahalaga katulad ng salapi at ang tiwala'y mailap na hindi maipagbibili. At sa patuloy na paglipas ng oras ang Emperyo Arcanum ay tuluyang mahahayag sa pamamagitan ng isang mortal. Ang mortal na aksidenteng nakapasok sa mundo ng kapangyarihan at hiwaga. Ang mundong babago sa takbo ng kaniyang buhay.