mrsecr
Sa mundong puno ng kadiliman,
heto ako,
pinipilit pulutin ang mga basag na bahagi ko,
umaasang mabubuo kong muli ang sarili ko
sa mga pirasong iniwan mo.
Mula nang itapon mo ang sarili mo
palayo sa akin,
kasabay no'n ang pagkabasag ng aking pagkatao.
Habang dahan-dahan kong dinadampot
ang mga piraso ng alaala natin,
di ko rin maiwasang masugatan
sa mga piraso ng nakaraan.
Nang hinugot ko ang piraso ng bubog,
damako ang kirot at sakit
dala ng alaala mo
sa bawat sugat.
Bahagyang tumulo ang dugo,
kasabay ng luha ko.
Ang basag na alaala mo'y
di ko man mabuo,
mananatili rito pa rin
ang mga piraso ng alaala mo
na pilit kong binubuo,
kasabay ng sarili ko.