QueenofCyka
Hindi mahilig si Angelica Mandela sa Korean Music o sa kahit na anong may kaugnayan sa Korea. Pero biglang nagbago ang lahat nang marinig niyang kumanta si Kirk Han, ang bagong bokalista ng campus band nila na The String. Parang biglang gusto na nitong pag-aralan ang buong history ng Korea dahil sa gwapong Koreano na bumihag sa inosenteng puso ni Angelica.
Kung mas may masungit pa kay Kirk ay hindi niya alam. At kung may mas sisipag pa sa kanya sa pagsunod-sunod dito ay hindi niya rin masasagot. Isa lang ang masabi niya sa ngayon; handa niyang gawin ang lahat mapaamo lang ang campus badboy at walang kasing gwapong lalaki na palaging laman ng puso at isip niya.
Nagawa naman ni Angelica ang nais niya. Naging malapit sila ni Kirk. Nakita rin niya ang pagbabago nito. Akala nito ay hindi na matatapos ang kaligayahang nararamdaman niya. Ngunit laking pagtataka niya nang isang araw ay bigla na lang siyang iniwan nito. At wala siyang maisip na dahilan kung bakit nangyari iyon.
Hanggang sa makita niya mismo ang dahilan kung bakit nawala sa kanya si Kirk.
----------
Hope you support my 2nd story mga mahlabs. Tenkyu beri mats!
@QueenofCyka