Agathalaureta
Sa lumang pasilidad nakilala bilang Cell Block 7, may mga lihim na hindi dapat muling mabuksan, mga aninong nakatambay sa dilim, mga trahediyang minsa'y tinagka ng tao na limutin. Noong 1999, isang nilalang na tinaguriang Child Zero ang nakatakas iniwan ang pasilidad sa kaguluhan at takot. Sa huling sandal blackout, isang bulong ang nakatanim sa iilang nakaligtas: "Hindi sila tao, Hindi rin sila patay."
Dalawampu't limang taon ang lumipas, ngunit ang nakaraan ay tila nagbabantay pa rin. Isang grupo ng mga estudyante mula sa Horizon University sa lungsod ng Cebu City. Sa simula, tila simpleng proyekto lamang ang kanilang haharapin. Ngunit unti-unting lumilitaw ang mga kakaibang pangagayari, mga aninong sumusunod sa kanila, mga bulong na hindi nagmumula sa tao, at mga oangitain na sumisira sa hangganan ng realidad. Habang lumalalim ang imbestigasyon, natuklasan nila na ang trahedya ng 1999 ay may direktang ugnayan sa isa sa kanila- si cedric - at sa kanyang ama, si Elias Valdez, ang nakaligtas noong unang insidente.
Habang tumitindi ang takot, unti-unting nauubos ang kanilang sense of safety. Ang psychological terror ay sumasakal sa kanilang isipan: paranoia, hallucination, at takot na hindi maipaliwanag. Kahit sa isa't-isa, nakakaram sila ng kakaibang tensiyon, isang koneksyon sa pagitan nina Thea at Cedric na parehong nakakapagpalakas at nakakapahina sa kanila.
Ngunit sa huli, walang makakaiwas sa katotohan: Paano mo haharapin ang nilalang na hindi tao, ngunit hindi rin patay? Sa Cell Block 7, bawat hakbang ay maaaring maging magbukas ng pinto sa dilim, at bawat desisyon ay maaring maging huling hakbang bago tuluyang masadsad sa takot na hindi lang pisikal, Kundi mula sa pinakailalim ng isip.
"In Cell Block 7, the dark doesn't follow you. It watches you."