Samantha_Fara
Ms. Gamer Meet Mr. Gamer
Si Aeryn Vale, isang top gamer at honor student, ay mas gustong mag-spend ng oras sa paglalaro kaysa makipag-socialize. Kilala siya bilang Ms. Gamer-competitive, matalino, at hindi basta-basta nagpapatalo.
Sa kabilang side naman ay si Kael Rowan, ang campus heartthrob na isa ring sikat na gamer. Tahimik siya sa personal, pero sa gaming world, siya ang kilalang Mr. Gamer na halos walang nakakatalo.
Nagtagpo ang dalawa dahil sa isang gaming tournament na nauwi sa matinding rivalry. Habang tumitindi ang kanilang kompetisyon, unti-unti rin nilang nakikilala ang tunay na pagkatao ng isa't isa. Mula sa trashtalk at asaran, nauwi ito sa pagkakaibigan, hanggang sa isang pag-ibig na hindi nila inaasahan.
Pero paano kung may mga sikreto, pangarap, at personal na laban na maaaring maghiwalay sa kanila? Sa mundong puno ng quests, rankings, at second chances, sapat kaya ang pagmamahalan nila para manalo sa pinakamahirap na laro-ang laro ng puso?